Ang Pag-ibig,
Hindi parang cellphone,
Pagnaluma, papalitan.
Ang pag-ibig
Hindi parang damit,
Pag may bagong uso, papalitan.
Refrain:
Kung sabihin kong mahal kita,
yan ay totoo sinta.
Huwag na huwag kang magdududa,
Hindi kita binobola. Aaah..
Chorus:
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na ika’y pumanget,
Hindi kita ipagpapalit.
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na ika’y makalbo,
Hindi ako magbabago.
Aaaaahhhmmmm 3x
Ang Pag-ibig,
Hindi parang pagkain,
Pagpinagsawaan, pamimigay na lang.
Ang pag-ibig
Hindi parang pusa,
Pag maingay, ililigaw na lang.
(Repeat Refrain)
Chorus 2:
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na ika’y tumaba,
Hindi ako mangangaliwa.
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na magka wrinkles ka,
Ikikiss pa rin kita.
Aaaaahhhmmmm 3x
Voice:
Love is patient, love is kind.
It does not envy, it does not boast, it is not proud,
it is not rude, it is not self-seeking,
it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.
Chorus 3:
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na tupakin ka,
Iintindihin kita.
Pang habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo.
Oh sinta.
Kahit na may kasalanan ka,
Iiyak ako pero papatawarin ka.
Aaaaahhhmmmm 7x.